top of page

Mga Serbisyo na Makukuha sa Parokya ng San Anslemo sa Meguro

Banal na Misa.jpg
Banal na Misa
  • Sa Wikang Tagalog:

       Tuwing Sabado: 7:30 ng gabi

  • Sa Wikang Ingles:

       Tuwing Lingo: 12:00 ng tanghali

  • Sa Wikang Hapon:

       Tuwing Lunes - Sabado: 7:30 ng umaga

  • Sa Wikang Bahasa Indonesia:

       Tuwing Sabado: 5:00 ng hapon

                Maliban sa Misang Pilipino na ginaganap tuwing Sabado ng gabi, mayroon ding Misa sa wikang ingles tuwing Linggo sa ganap na alas dose ng tanghali.  Ito ay dinadaluhan ng iba’t-ibang lahi o halos mga taga-ibang bansa. Humigit kumulang nasa otsenta porsiyento sa kanila ay mga Pilipino.  Sa kadahilanan na ang parokya ng San Anselmo ay tatlong Misa sa wikang Hapon, limitado rin ang pag-gamit ng mga pasilidad ng parokya para sa lahat.  Ang mga taga-Indonesia halimbawa ay nagdiriwang ng kanilang Misa tuwing Sabado sa ganap na alas-singko.  Kaya ang Sunday school para sa mga bata ay nagaganap din sa oras ng mga Misa tuwing Linggo habang ang iba pang mga aktibidades ng parokya ay ginagawa sa ibang oras ng Linggo.

 

              Maliban sa Linggo, ang misa sa parokya araw-araw ay nagaganap tuwing ika-7:30 ng umaga sa maliit na chapel ng parokya. Ito ay ipinagdiriwang sa wikang Hapon. Sa araw ng Miyerkules, Ingles naman ang wikang ginagamit.

Katesismo.jpg
Katesismo
  • Sa Wikang Tagalog:

       Tuwing Ika-2 Sabado ng buwan: 9:00 ng gabi

  • Sa Wikang Ingles:

       Tuwing Ika-4 na lingo ng buwan: 2:00 ng hapon

 

                 Maliban sa katesismo sa wikang Pilipino tuwing ika-dalawang Sabado ng buwan sa ganap na alas-nuebe ng gabi, isang pang katesismo sa wikang Ingles naman ang ibinibigay ni Fr. Edwin sa mga parokyano tuwing ika-apat na Linggo ng buwan sa ganap na alas dos ng hapon.  Ito ay para ika-uunlad at pagpapalalim ng pananampalataya ng isang interesadong Katoliko.  Wala po itong bayad.  Ito ay tunay na inirerekomendang daluhan ng mga tunay na naglilingkod sa parokya o simbahan.  

Mga Sakramento 

Ang mga Sakramento na mula sa Bagong Tipan ay itinatag ng Panginoong Hesukristo at ipinag-katiwala sa Simbahan.  Bilang mga gawa ni Kristo at ng Simbahan, ang mga Sakramentong ito ay tanda at mga paraan upang ang pananampalataya ay maipahayag at mapalakas at ang pagsamba sa Diyos ay magawa upang mapasa atin ang kabanalan.  Nakakatulong ang mga Sakramento bilang epektibong pamaraan para maitatag, mapalakas at maipakita ang pagiging isang Simbahan.  Nararapat na sa pagdiriwang ng mga Sakramento ang mga ministro (diakono, pari, at obispo)  at ang layko (lahat na mga kasapi ng Simbahan Katolika) ay nagpapakita o nagpapahayag ng taos pusong paggalang.  

Ang Kumpil
(Confirmation)
Kumpil.jpg

                Ito ay iginagawad lamang ng obispo ng diyosesis sa isang itinatakdang Linggo o araw ng kanyang pagbibisita sa parokya tuwing isang taon.  Hindi ito maaring tanggapin ng sino mang hindi pa nabinyagan. Abangan ang panawagan ng parokya sa mga nais magpatala para tanggapin ang Sakramento ng Kumpil.  Ang Sakramento ng Kumpil ay kinakailangan munang tanggapin ng isang Katoliko para siya ay mapahintulutang makapagpakasal sa Simbahan.  Hindi pinapahintulutan ng Simbahan na makapagpakasal ang isang Katoliko na hindi pa nakatanggap ng Sakramento ng Kumpil.

                Ang Kumpil ay taunang ginaganap sa parokya. Ito ay ginaganap kung hindi man sa parokya ng Meguro, ito ay maari ring ipagdiwang sa simbahan ng Franciscan Chapel Center, Azabu-juban o di kaya sa Takanawa tuwing dumadalaw ang obispo ng Tokyo.

Ang Binyag
(Baptism)
  • Tuwing Lingo pagkatapos ng Misa ng mga Hapon: 11:00 ng umaga

Binyag.jpg

                Ito ang unang sakramento na tinatanggap ng nais maging kasapi ng Simbahang Katolika.  Ito ay maaring tanggapin ng bata (mula sa bagong silang na sanggol hanggang sa kanyang ika-limang taong gulang). Ang mga magulang ay ina-asahang sumali sa isang seminar bago ibibigay ang Sakramento ng Binyag.  Hanapin lamang ang mga miyembro ng Baptism Team para sa dagdag kaalaman. Para sa karadagang kaalaman makipag ugnayan lamang sa Opisina ng Parokya 

                Ang Sakramento ng Binyag ay nagaganap sa ganap na alas-onse ng umaga tuwing Linggo, pagkatapos ng Misa ng mga Hapon.  Isang seminar para sa mga magulang ng batang bibinyagan at sa kanilang pangalawang magulang ang kinakailangan gawin, bago ang mga bata ay tatanggapin sa sakramento ng binyag.  Ang Baptism "Team" ay ang nagbibigay ng seminar at handang tumulong para sa pagdiriwang ng Sakramento ng Binyag.

holy-communion.png
Ang Unang Komuniyon
(First Communion)

               Ito ay ibinibigay pagkatapos dumaan ang bata sa isang pag-aaral o katesismo (Sunday School) na tinuturo naman ng mga katekista tuwing Linggo. Ang nasabing katesismo ay tumatagal ng di kumukulang ng mga tatlong buwan.  Para sa karadagang kaalaman makipag ugnayan lamang sa Opisina ng Parokya.  Abangan ang “announcement” kung kailan ito ibinibigay sa parokya para sa pagpapatala. 

Kumpisal.jpg
Ang Pagbabalik-loob
(Reconciliation o Confession) 

                Ito ay maaring matanggap kailan mang naisin ng isang nanampalataya na nagsisisi na sa kanyang mga nagawang kasalanan dala ng kanyang karupukan o kahinaan bilang tao at handang humingi ng tawad at awa upang siya ay mapatawad ng Diyos. Lapitan lamang si Fr. Edwin para malaman kung siya ay maaring magdiwang ng Sakramento ng Pagbabalik-loob (Confession).  

 

Ang Pag-iisang Dibdib
o Kasal
(Marriage)
Kasal.jpg

                 Sa mga nais magpakasal, maari lamang nila itong gawin sa araw ng Sabado. Kinakailangan muna nilang konsultahin ang kura paroko para sa kanilang paghahanda at mga kinakailangan dokumento o papeles para sa kanilang pagpapakasal. Ang Katibayan ng kanilang Binyag at Kumpil ay dalawa lamang sa mga mauunang papeles na hinihingi ng parokya upang ang mga nais magpakasal sa simbahan ay makatanggap ng Sakramento ng Kasal.  Marami pang ibang papeles ang kinakailangan isumite sa parokya, lapitan lamang ang kura paroko na si Fr. Ryohei Pascal Miyashita upang malaman ang mga papeles na kinakailangan ihanda para sa mga nais magpapakasal sa Parokya ng San Anselmo sa Meguro. Mayroon ding seminar na kailangang daanan bilang bahagi ng paghahanda sa pagdiwang ng Sakramento ng Kasal. 

Anointing.jpg
Ang Pagpapahid ng Langis 
(Anointing of the Sick)

                Sa mga parokyanong nagkakasakit at di nakakarating sa simbahan, maari nilang makamit ang Sakramento ng Pagpahid ng Langis (Anointing) ano mang oras nilang ninanais. Tawagan o lapitan lamang si Fr. Edwin para sila ay mapahiran ng langis o madalhan ng Katawan ni Kristo sa kanilang bahay o ospital.

            Ito ay ang sakramento na madalas ipinagdiriwang para sa mga taong may karamdaman sa kanyang pisikal, emosyonal o espiritwal na buhay.  Mas madalas itong binibigay sa taong may sakit o pisikal na karamdaman na hindi na makapagsimba at madalas na nananatili na lamang sa kanyang higaan. 

ADDRESS

4-6-22 Kamiosaki, Shinagawa-ku

Tokyo, Japan 141-0021

mapimage.jpg
  • Facebook
  • Instagram
  • YouTube

All Right Reserved | Filipino Mass Meguro

bottom of page